Ash Wednesday | Miyerkules ng Abo

Praised be Jesus and Mary!

Ash Wednesday is the first day of the Lenten Season. This is 40 days (minus the Sundays) before Easter Sunday. During Ash Wednesday and the Fridays of Lent, we practice fasting, abstinence, and almsgiving.

Fasting, in Catholic Church tradition, is eating only once full meal and 2 small meals in one day. Abstinence is not eating meat (but fish meat is okay). But, remember that there is no point in avoiding meat if we are to eat luxurious seafood and the like instead. Some people also abstain from things or activities they badly want such as Facebook, games, movies, smoking, etc. The main point is sacrifice and repentance. The money that we saved from fasting and abstinence are to be donated to the poor and needy (almsgiving). Also, we are reminded that we do not live on bread alone. We are taught to be dependent on God.

Almsgiving is sharing what we have with the less fortunate. I have a realization recently regarding almsgiving and poverty. Some people really cannot provide for their family because of lack of education and opportunity to get a job. But like mentioned in the reading last Sunday (Matthew 6:24-34), if God provides for the flowers and the birds in the wild, He will, of course, provide for His people. And, we who were educated and capable, are God’s instruments to provide for the needy. The more blessings we receive, the bigger responsibilty that we have in helping the poor and the needy.

Reflecting on our lives is also part of Lent. We reflect on how we live our Christian lives. We acknowledge our sins and repent. For me, the season of Lent, is a very good reminder to pray more and receive the Sacrament of Confession.

Of course, we receive the cross on our foreheads during Ash Wednesday. The ashes is from the burned palms from Palm Sunday of the previous year. While drawing the cross, the priest will say “Turn away from sin and be faithful to the gospel.” (Mark 1:15) or “Remember, you are from dust and to dust you will return.” (Genesis 3:19)

We let the ash, the cross, fade on its own, not only as a reminder to repent, but also to enable us to become witnesses to the world that God is merciful and forgiving. Didn’t He welcome back and embrace the prodigal son? 🙂

——

(translation)

Purihin si Hesus at si Maria!

Ang Miyerkules ng Abo ang unang araw sa panahon ng Kuwaresma. Ito ay ginagawa 40 na araw (maliban ang mga Linggo) bago ang Pasko ng Muling Pagkabuhay. Sa Miyerkules ng Abo at sa mga Biyernes ng Kuwaresma, ginagawa natin ang pag-aayuno, pangilin, at pag-aabuloy.

Sa tradisyon ng simbahan, sa pag-aayuno, minsan lang sa isang araw maaaring kumain ng husto at dalawang beses maaaring kumain ng kaunti. Sa pangilin, hindi tayo maaaring kumain ng karne. Tandaan din natin na walang silbi ang pag-iwas sa karne kung maluluhong mga putahi pa rin ang ating kakainin. May mga ilan din na iniiwasan hindi lang ang pagkain ng karne, kundi pati ang mga hilig nila tulad ng paggamit ng Facebook, panonood ng pelikula, mga bisyo, atbp. Ang mahalaga ay ang pagsasakripisyo at pagsisisi sa mga nagawa nating kasalanan. Ang perang natipid nating mula sa pag-aayuno ay ipang-aabuloy sa mga mahihirap at nangangailangan. At, ipinapaalala na hindi tayo nabubuhay sa pagkain lamang. Itinuturo sa atin na lalong umasa sa Panginoon.

Ang pag-aabuloy ay ang pamamahagi ng kung anu mang mayroon tayo sa mga kapus-palad. May napagnilayan ako kamakailan lang tungkol sa pag-aabuloy or panlilimos at sa kahirapan ng buhay. Mayroon talagang iba na hindi nakapag-aral kaya hindi makakuha ng trabaho na makakasustento ng sapat sa pamilya nila. Gayunpaman, sabi nga sa Pagbasa noong Linggo (Mateo 6:24-34), kung kinakalinga ng Panginoon ang mga bulaklak at mga ibon, syempre, kakalingain din Niya ang mga taong nilikha Niya. Kaya tayong mga nakapag-aral at may kaya ay mga instrumento ng Panginoon para tulungan sila. Kaya’t mas marami tayong natatanggap na biyaya, mas malaki din ang responsibilidad natin na ibalik iyon sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Bahagi din ng Kuwaresma ang pagninilay sa ating mga buhay. Inaalala natin kung paano ba tayo namuhay bilang mga Kristyano. Inaamin natin ang ating mga kasalanan at pinagsisisihan. Para sa akin, ang panahon ng Kuwaresma, ay mainam na paalala para dalasan ang pananalangin at para tanggapin ang sakramento ng Kumpisal upang makapagbalik-loob sa Panginoon.

Siyempre, tinatanggap din natin ang pagpapahid ng krus sa ating mga noo tuwing Miyerjules ng Abo. Ang abong pampahid ay mula sa mga sinunog na palaspas mula sa Araw ng Palaspas noong nakaraang taon. Habang iginuguhit ang krus, sasabihin ng pari, “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan at maniwala kayo sa Mabuting Balitang ito.” (Marcos 1:15) o “Yamang sa alikabok, doon ka nanggaling. Sa lupang alikabok ay babalik ka rin.” (Genesis 3:19)

Hinahayaan lang natin an mabura ng kusa ang abo, ang krus, hindi lang bilang paalala na magsisi tayo sa ating mga kasalanan, kundi para maging testigo rin tayo sa mundo na maawain at mapagpatawad ang Panginoon. Hindi ba’t tinanggap Niyang muli ang alibughang anak? 🙂

—-

[youtube http://youtu.be/FaUTv1pXRyU]

One thought on “Ash Wednesday | Miyerkules ng Abo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s